Friday, 22 April 2016

wala lang to


masarap maging single







masarap maging single dahil lahat ng gusto mo nagagawa mo hindi tulad ng may gf/bf. masarap na masaya ang single dahil buo yung oras mo sa pamilya mo at kaibigan ay pag-aaral.hindi tulad ng may bf/gf maaaring mahati ang oras mo na para dapat sa iyong pamilya,pag-aaral at kaibigan. at imbis na sa pag-aaral lang nauubos ang pera mo,kung minsan napipilitan ang isang taong may karelasyon na gumastos sa load o kahit pa yung sa paglabas labas nila. kung minsan nga mas may oras pa nga sa mga bf at gf nila kaysa sa mas importanteng bagay... hindi katulad ng mga single nasusulit nila yung bawat panahon na kasama pa nila yung mga magulang nila at yung mga kaibigan. kaya kung dumating man yung panahon na hindi na niya kasama ang mga ito wala siyang pagsisisihan na hindi niya nagawa yung mga bagay na dapat ay nagawa sana niya.masarap maging single lalo na kung alam mo sa sarili mo na tama ang mga bagay na ginagawa mo... maeenjoy mo ang pagiging single kung lahat ng mga ginagawa mo ay nakabubuti sayo at pati narin sa ibang tao.hindi naman masama ang makipagrelasyon dahil will din naman iyon ni God... PERO sa tamang edad at yung relasyon na hindi lalagpas sa limitation yung both of you alam yung parehong nasa tama.kaya para sa akin mas masarap ang maging single:)

ang mabuting tao





ang mabuting tao hindi nag hahangad ng masama para sa kanyang kapwa. hindi sya nageenjoy sa mga gawaing hindi maganda... hindi nila  pinagtatakpan ang sarili nila sa mga maling gawain, hindi ikinatutuwa sa mga gawaing kalayawan... ang mabuting tao sino man at anoman ang mga dahilan para mahikayat ka sa masama kaya mong tumanggi sa mga bagay na iyon...dahil ang tunay na mabuting tao ang ginagawa nito ay tama, iniisip niya ang dapat at tama... alam niya kung paano tumanggi sa gawaing masama,alam niya ang tamang gawain

Thursday, 21 April 2016

aguila








higit sa lahat ng mga ibon aguila ang pinakapaborito ko sa lahat... ito'y dahil gusto kong maging isang tulad nang aguila,yung kahit na anumang unos ng buhay lumalaban parin sya... at higit sa lahat hindi lang siya lumaban sa unos ng buhay, kundi sinasalubong niya yung mismong bagyo... hindi siya tumatakas kung may bagyo man itoy matapang niyang hinaharap...lakas loob niya itong sinasalubong!!!:) sana ang tao ganun din!!! lakas loob nilang hinaharap yung bawat bagyo ng buhay nila,yung hindi nila tinatakasan yung problema nila kundi hinaharap nila... yung kahit anuman yung pagdaanan nila yung ineenjoy parin ng tao yung kakayanan nila at ipinapakita nila sa mga tao na kaya nilang lumaban sa bawat unos ng buhay o kahit pa sa mabigat na problema!!!!


sana ang tao'y parang isang AGUILA!!!

Tanging handog ko'y musika






kaya kong maghandog ng isang musikang nagmumula sa  aking puso! musikang nagmumula sa aking puso,musikang my halong pagmamahal,musikang hindi para sumikat lang!
para sa akin isang bagay lang ang mayroon ako.. kahit na sabihin pa ng iba na kaya rin ito ng marami,pero para sa akin ito ay kakaiba,dahil para sa akin ito ay regalo ng Diyos sa akin.. oo maraming may mas higit pa sa kakayanan na mayroon ako pero ito ay hindi hadlang para pahhinaan ako ng loob at itago nalang ang bagay na alam ko.. para sa akin ang isang talentong hindi mo ginagamit ay hindi mo pakikinabangan... kaya mas mabiting gamiting ito sa mabuting paraan nang sa ganoon hindi man ikaw ang pinaka magaling  o may mas higit man sayo pero alam kong ginawa mo yung bagay na alm mo.

kaya ako ang tanging handog ko'y musika para sa inyo :)

guitara

 

             music nga ba ang tawag dito?










masarap makinig nang musika pero mas masarap kung ikaw mismo ang gagawa ng sarili mung musika. sa tugtog gamit ang tugtog ng guitara. sa tuwing naiinip ako music lang ang tanging nagiging libangan ko,sa pagkalabit ko ng guitara at pag tugtog ng bawat piyesa na alam ko,natutuwa ako na ako mismo kaya kong gawin ang tunay na kahulugan ng musika. masarap idaan sa musika ang ang bawat pangyayari sa buhay mo. masarap tumugtog ng guitara sa bawat sandali na gusto mong tumugtog hindi lang dahil gusto mo ng ingay kundi alam mo ata naiintindihan mo ang tunay na meaning ng music! 

Para sayo Kaibigan


Gagawin ko ang tama, para sa aking mga kaibigan, ipagtatanggol ko sila sa tama at ang nais ko'y magawa nila ang dapat at tama.
kahit makasakit ako sa kanila masaway ko lang ang mga maling gawain nila kahit magtampo sila sa akin masabi ko lang ang makatwirang gawain.
lumipas man ang panahon hindi ako mapapagod sa sabihin sa kanila ang pagibig ng Diyos para sa akin at sa kanila.
inaamin ko nahindi ako mabait na kaibigan ngunit gusto kong maging mabuting kaibigan o kapatid nais kong maging mabuting huwaran...
                  para sayo kaibigan :)

Ang puso ay natuturuan din


Marami man maling naidulot ang iyong puso maling katwiran,maling pag-ibig, at marami pang iba. pero ang puso na nagdudulot ng pagkabigo , pag-ibig, pagkamuhi, pagkagalit ay natuturuan din. kaya nitong magturo ng mabubuting bagay mula sa pangit na bagay.
Ang puso ay kayang magturo ng mga mabubuting bagay lalona kung mag-nanais kang ipabago ito payungo sa isang pusongmalinis, maayos, tama ang desire,pusong  mapagpakumbaba pusong tapat.maaring maging ganito ang iyong puso kung nanaisin mong turuan ang iyong puso :)

Paano Ba Ang Magmove-On???


Maraming kabiguan ang dumadating sa ating buhay, Ito man ay sa mga pangarap, sa pamilya, sa mga kaibigan at maging sa pag-ibig.
          Pero paano ka nga ba makakaahon mula sa pgkalugmok mo sa ganitong sitwasyon? kayraamimg tao ngayon ang nagsasabing madali lang ang magmove-on, pero hindimo ito masasabi hanggat wala ka sa ganitong sitwasyon.
        Ngunit kung pag-iisipan mo ang ganitong bagay mahirap man pero kung itutuon mo ang iyong sarili sa ibang bagay upang matulungan ang iyong sarili sa makapagmove-on sa masalimuot na pangyayari ng iyong buhay.
         Maaari din naman na i-focus mo ang iyong isip sa mas magandang plano ng Diyos sa iyo, baka kaya hindi naganap ang iyong nais ay may mas magandang bagay na nakalaan para sa iyo. :)

Pag-ibig at Pantasya na Gawa kong Mag-isa

  

Mala pelikula ang pag-ibig na namumuo sa aking isipan kung minsan...
           Pag-ibig ng iba ay aking pinapantasya sa pagpikit  ko'y siya lamang ang aking nais makita. Nais ko sana siyang mahawakan manlang ngunit parang bula siya  na sa paglapit ko ay unti-unting nawawala.
           At nung akoy maglakad-lakad nakasalubong ko siya, malaya pa ay nakita kong nakangiti siya, kahit hindi masyadong malinaw ang kanyang mukha. at nung kami'y magkalapit na nga binigkas niya ang mga katagang "MAHAL KITA"
          May pagkabigla ako na may pagkatuwaat may konting kilig din.
at ako'y niyaya niya upang ipagpaalam sa aking mga magulang , at nang makaraying kami sa aming bahay....
biglang... GINISING NAKO NI MAMA :)
tanghali na daw may pasok pa ko...:)



Wednesday, 13 April 2016

Ang Tunay Na Kalayaan

         Ang tunay na kalayaan ay hindi yung kung paano mo yung gusto mo kundi yung kahit hindi mo pilitin gumawa ng tama pero lumalabas itong kusa.

         Hindi ka magiging malaya habang nagpapatuloy ka sa maling gawain. hindi ka makukuntento hindi ka magiging maayos habang hindi ka nakakalaya sa maling katwiran, maling pagiisip, maling pananaw, maling gawain.

        magiging malaya ka lang kung alam mong tama na yung ginagawa mo.
pag alam mo na yung tama at kusa mo nalang nagagawa.